πŸπŸ‘-anyos na helper, nagbigti-patay sa Cauayan City

Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang binata na nakabitin sa isang punungkahoy sa Purok 1, San Fermin, Cauayan City, Isabela ngayong araw.

Kinilala ang nagpakamatay na si Jarith Ardiente, 23-anyos, helper na tubong Ilo-ilo City at transient resident sa nabanggit na lugar.

Batay sa pagsisiyasat ng PNP Cauayan Citya, bandang alas-5 ngayong umaga (June 14, 2021) nang makita umano ng kanyang kapatid na si Japeth Ardiente ang nakabitin na katawan ng binata gamit ang isang tali.

Lumalabas din sa imbestigasyon ng pulisya na bago ang insidente ay nagkaroon ng pag-uusap si Jarith at kasintahan nito na nasa ibang bansa kung saan mistulang may pinagtatalunan ang dalawa.

Sa eksklusibong panayam naman ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa nakatatandang kapatid niya na kinilalang si Merry Claire Ardiente OrdoΓ±o sinabi niya na noong gabi ng June 13, 2021 ay masaya pa namang nakikipag-laro si Jarith sa kaniyang mga pamangkin.

Aniya, nanggaling pa sa inuman ang kapatid at wala naman siyang sinasabing problema bagaman alam niyang minsan ay may pag-aaway ang magkasintahan dahil sa pagseselos ni Jarith subalit kalauna’y nagkakaayos din.

Wala rin aniya siyang nakikitang kakaiba sa kinikilos ng kapatid at sa katunayan ay nanghingi pa ng pera sa kaniya ang binata.

Bandang alas-11 ng gabi ng Linggo nang ginising siya ng mister dahil nakita umano nito ang message ng kasintahan ni Jarith na may taling dala ang binata na tila isang banta na magpapakamay at sinabing hanapin siya.

Subalit kampante naman umano si Merry na hindi ito gagawin ng kapatid dahil masiyahin naman siya at tumatawa pa tuwing pinagsasabihan.

Ngayong umaga ay natagpuan na lamang ang katawan ng biktima na wala nang buhay na nakabitin sa isang puno sa di kalayuan sa kanilang tinutuluyan.

Sa ngayon ay hindi pa mabatid ng pamilya kung iuuwi sa Ilo-ilo ang bangkay ng binata o dito na lamang sa lunsod ng Cauayan siya ililibing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *