Communication Simulation Flood drill, isasagawa ng NIA-MARIIS DRD

Magsasagawa ng Communication Simulation Flood Drill ang NIA-MARIIS Dam and Reservoir Division katuwang ang PAGASA, PDRRMC Isabela at Cagayan, SNAP Magat Inc at office of the Civil Defense- Region 2.

Ang naturang aktibidad ay gaganapin bandang -alas-8 ng umaga ng June 19, 2021.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Engr. Carlo Ablan, ang acting Division Manager ng NIA-MARIIS Dam and Reservoir Division, magsisimula na ngayong araw, June 14, 2021 hanggang Biyernes ang virtual information education campaign sa mga lokal na pamahalaan at residente na malapit sa ilog magat.

Kaugnay dito, ipapaliwanag ng PAG-ASA ang typhoon and flood awareness, rainfall warning systems and thunderstorms, habang ang SNAP Magat Inc, naman ay tatalakayin ang kanilang operasyon sa hydroelectric power plant and power generation.

Lalahok dito ang mga LGU at residente mula sa Alfonso Lista Ifugao, Ramon, San Mateo, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Burgos, Naguilian, Gamu, Isabela at Tuguegarao City, Cagayan.

Aniya, ang nasabing information education campaign ay paraan ng tanggapan upang magkaroon ang publiko ng kaalaman sa isasagawang communication  and simulation flood drill kaugnay sa Dam Discharge Protocol Operation bilang paghahanda sa tag-ulan.

Dagdag pa ni Engr Ablan, may natatanggap silang report na hindi naiintindihan ng LGU at mga residente ang warning o siren na ginagawa ng MDRD kapag oras ng kalamidad.

Pinaalalahanan naman niya ang mga residente na malapit sa Ilog Magat na huwag mabahala kapag nakarinig ng siren sa June 9 dahil isa lamang itong flood drill.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *