Mahigit sa 100 pasyente sa 4 na barangay sa Daraga, Albay, nabigyan ng libreng medical checkup, laboratory test at dental services

LEGAZPI CITY – Pumalo sa mahigit 100 pasyente ang nabigyan ng libreng medical checkup, laboratory tests at dental services sa mga residente ng barangay Budiao, Canarom, Binitayan at Tagas Core Shelter sa Anislag sa bayan ng Daraga.

Ayon sa Local Government Unit (LGU) Daraga, ito na ang ikalawang araw ng pagsasagawa ng Arangkada Banwa Mobile Lab and Clinic (ABMLC) sa Budiao Covered Court ng nasabing bayan na kung saan umabot ito sa isang daan at pitumpu’t dalawang mga pasyente ang kanilang nabigyan libreng serbisyo-medikal.

Marami ang nagsipagpuntahang mga residente sa nasabing lugar upang mabigyan ng libreng serbisyo sa kalusugan.

Layunin ng lokal na pamahalaan na matulungan ang bawat residenteng walang kakayanang magpakonsulta sa mga doktor o hindi nakakapunta sa ospital dahil malayo ang kanilang lugar, kung kaya’t inilapit na ng alkalde ang pagbibigay ng libreng serbisyo sa sa mga ito.

Inaasahang sa mga susunod na linggo ay may mga barangay pa rin na pupuntahan ang LGU katuwang ang MHO para sa libreng medical checkup, laboratory tests at dental services.

Leave a Reply

Your email address will not be published.