Mahigit sa 22,000 NRCPO personnel, idedeploy sa ikalawang SONA ni Marcos

Aabot sa 22,081 na mga personnel ng National Capital Reigon Police Office (NCRPO) ang ide-deploy para bantayan at matiyak ang seguridad sa ikalawang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong July 24.

Ayon kay NCRPO Dir. Maj. Gen. Edgar Alan Okubo, ide-deploy ang naturang mga kapulisan sa palibot ng Batasang Pambansa complex.

Ilalatag din aniya ang nasa 31 na mga border control points sa buong Metro Manila.

Nagpaalala naman si Okubo sa publiko na mahigpit ding ipatutupad ang gun ban, ‘o ‘yung suspension ng mga permits to carry firearms outside residence mula 12:01 ng madaling araw sa mismong araw ng SONA; at magtatapos hanggang sa hatinggabi ng July 25.

Una nang tiniyak ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda na hindi magiging ‘overkill’ ang PNP deployment para sa SONA.

Tiniyak din nito ang maximum tolerance, at ang pagrespeto sa human rights lalo na sa mga magdaraos ng mga programa’t kilos protesta. //LGD, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *