Mahigpit na pagsunod sa health protocols sa loob ng mga opisina muling ipinaalala ng DOH

CAMARINES NORTE- Muling ipinaalala ng Department of Health (DOH) ang mahigpit na pagsunod sa health protocols sa loob ng mga opisina.

Sa gitna ito ng patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19 at sa banta ng delta variant.

Sa isinagawang Talakayan sa COVID- 19 nitong Huwebes, sinabi ni Dr. Lulu Ramos Santiago, Regional COVID- 19 program Coordinator na importanteng huwag kalimutan at palagiang sundin ang minimum public health standard.

Aniya, dapat iwasan ang sabay- sabay na pagkain sa loob ng opisina at magkaroon ng physical distancing, palaging isuot ang face mask at maghugas ng kamay.

Dapat din umanong ipatupad ng opisina ang Alternative Work Arrangement alinsunod sa Memorandum Circular ng Civil Service Commission.

“We understand naman po  the needs ng atin pong mga employee na kailangan magtrabaho lalo na kapag ang ating mga opisina ay tinatawag na mga essential worker, however po meron pinalabas ang CSC na MC 10 na kailangan po natin habang nandito po tayo sa health emergency state,” ani Santiago.

“Kailangan po nating i- apply yung alternative work arrangement para po hindi mapilay yung operation ng opisina na very essential as of the moment.”

Kung mayroong magpopositibo dapat umanong agad na magsagawa ng contact tracing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *