Re- establishment ng eskwelahan na sinunog ng armadong grupo noong dekada “80” hiniling sa DepEd

CAMARINES NORTE- Inihain sa Sangguniang Bayan ang isang resolusyon na humihiling sa Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ni Schools Division Superintendent Nympa Guemo na muling maitayo ang Binatagan Elementary School sa Basud, Camarines Norte.

Natatangi kasi ang Binatagan sa 29 na barangay sa naturang bayan na walang Elementary School kaya’t nahihirapan ang mga bata na pumasok sa mga eskwelahan sa karatig barangay.

Ayon sa resolusyon, mayroon namang available parcel of land ang LGU sa naturang barangay na “ideal” umano para pagtayuan ng elementary school.

Bukod dito mayroon din umanong pondo ang LGU para sa pagpapatayo ng school building na kailangan sa initial operation nito.

Sabi pa sa resolusyon na kinikilala ng universal declaration of human rights ang edukasyon bilang “fundamental right” na kailangan para sa paglago ng isang indibidwal at sa pag unlad ng lipunan.

Nakapaloob rin sa Saligang Batas ang karapatan ng mga batang makapag aral.

Dati na umanong mayroong Elementary School sa naturang barangay noong dekada “80” pero sinunog ng armadong grupo.

Mula noon ay wala na umanong nagtangka na muling itayo ang eskwelahan.

Ang Binatagan ay isa sa sampung least populated Barangay sa Camarines Norte na mayroong lang 453 populasyon batay sa 2020 Census of Population and Housing ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *