Full automation sa BSKE sa Oktubre, malabong mangyari – Comelec

Malabo umanong mangyari na magkaroon ng full automation sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ito ang reaksyon ni Commission on Elections chairman George Erwin Garcia sa resolusyon ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. na pag-aralan ang posibilidad na i-automate ang halalan sa BSKE sa October 30, 2023.

Sinabi ng Comelec Chair na nasa kalagitnaan na sila ng pag-imprenta ng mga balota na gagamitin sa manual elections at inaasahang matatapos na ito ngayong Pebrero.

Bagamat inalis ang posibilidad ng full automation, sinabi ni Garcia na pinag-aaralan ng Comelec ang pagsasagawa ng pilot test sa automation ng BSKE sa ilang luigar.

Ang huling barangay at SK election ay ginanap noong May 2018.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *