Mambabatas: dapat nang i-certify as urgent ang mga panukala sa wage increase

Naniniwala si House Deputy Minority Leader, ACT-Teachers party-list Rep. France Castro, na dapat nang ma-certify as urgent ang mga nakabinbin pang panukala hinggil sa wage increase, kabilang na ang mungkahing P750 na arawang sahod.

Ayon kay Castro, ‘long overdue’ na ang naging panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos hinggil sa sahod.

Paliwanag ng mambabatas, sobrang taas na ng bilihin, ay hindi na ito natutugunan ng sahod ng publiko.

Dahil dito, dapat na raw talagang gawing urgent ang mga pagdinig sa panukala para mapabilis na rin ang pag-usad ng mga ito sa Kamara.

Titingnan aniya nila ang gagawing kilos ng liderato ng Kamara kaugnay rito sa Lunes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *