Mambabatas, hati ang reaksyon sa pag-veto sa SIM card registration bill

Hati ang opinyon ng mga mambabatas sa pagveto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panukala na nagmamando para sa registration ng SIM card at social media accounts.

Babala ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, na dahil sa naturang hakbang ng pangulo, maipagpapatuloy pa ng mga cybercriminals, lalo na ng online scammers at trolls ang kanilang ginagawa sa oras na bumaba na sa pwesto ang pangulo.

Giit nito, ang naturang pagveto ay malaking panalo para sa troll farms.

Pero para sa ibang mambabatas gaya nina Sen. Panfilo Lacson, Valenzuela City Rep. Win Gatchalian, Deputy Minority Leader and Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, maganda umano ang naging desisyon ng pangulo dahil sa pagiging violative ng ‘one-subject-one-title rule’ alinsunod sa 1987 Constitution, kung saan walang safeguards o guidelines ang ibang probisyon.

Para naman kay Zarate, ang naturang panukala ay hindi magreresolba sa talamak na text scams, dahil ang mga kriminal ay mayroon umanong “specialty tools” para magsend ng bogus text messages para makapanloko ng tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *