Mambabatas, pinuna ang umano’y kabiguan ng national rabies prevention program

Naniniwala si Quezon City 4th district Rep. Marvin Rillo na bigo ng rabies prevention program ng gobyerno, sa kabila ng sapat na pondo na P900 million kada taon.

Ayon kay Rillo, bigo umano ang NRPCP sa kanilang target na ma-eliminate ang human rabies noong 2020 at sa pagdedeklara ng Philippines rabies-free ngayon 2022.

Dahil dito, iminungkahi ng mambabatas na maimbestigahan ang National Rabies Prevention and Control Program, sa layunin na makapagbigay na rin ng rekomendasyon para sa mas malakas na corrective measures para tuluyan nang ma-eliminate ang pagkamatay ng isang tao mula dahil sa rabies.

Pagbabahagi ng mambabatas may kabuoang 322 Filipinos ang namatay dahil sa rabies mula Jan. 1 hanggang Nov. 5 ngayong taon, kumpara sa 235 sa kaparehong period noong 2021. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *