Mambabatas, suportado ang planong pag-institutionalize sa Kadiwa program

Dapat nang ma-institutionalize ang ‘Kadiwa sa Pasko’ program sa Kongreso para patuloy na matulungan ang mga Pilipino.

Ito ang sinabi ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee kasabay ng kanyang pagsuporta sa isinusulong na pagpapalawig sa operasyon ng Kadiwa center sa susunod na taon.

Ayon kay Lee, suportado niya ang pagkakaroon ng batas ukol sa Kadiwa upang maipagtuloy ang magandang programa na ito ana aniya’y malaki ang maitutulong sa publiko pagdating sa mataas na presyo ng mga bilihin partikular ang mga produktong agrikultural.

Bukod dito, binigyang diin ng mamababatas na kailangang mapalawak ang implementasyon nito kung saan hindi lamang mga konsyumer ang makakabenepisyo kundi pat imaging ang mga producers.

Ayon pa sa kongresista, isang magandang regalo para sa mga Pilipino kung mae-extend ang Kadiwa program.

Nabatid na unang ilunsad ang Kadiwa program nitong buwan ng Nobyembre kung saan layon nitong mailapit sa mga mamimili ang iba’t-ibang produkto sa mas murang halaga kagaya ng P25 na kada kilo ng bigas at P70 na kada kilo ng asukal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *