Mangingisda sa Masbate na nasalanta ng bagyo, nakakuha ng P1.7M na tulong sa DOLE

SORSOGON CITY –  Naglabas ang tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol ng humigit-kumulang PHP1.7 milyon na tulong pangkabuhayan sa mga lumikas na mangingisda sa Dimasalang, Masbate na nasalanta ng bagyong Jolina

Ayon sa tagapagsalita ng ahensya na si Johana Vi Gasga, ang tulong ay sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP).

Ang nasabing pondo ay gagamitin sa pagbili ng Kabuhayan Starter Kits o mga kagamitan sa pangingisda tulad ng bagong motorized fiberglass boats, gasoline engines, shafting, cross joint, rudder at iba pang kagamitan sa pangingjsda na mapapakinabangan ng 66 na apektadong mangingisda sa nasabing bayan.

Dagdag pa ng opisyal, target din nila na tulungan pa ang isang komunidad ng mangingisda sa bayan ng Cawayan sa pamamagitan ng isang proyektong iminungkahi ng isang asosasyon na “Fish Tapa Production’’ na naglalayong tulungan ang mga residente na mabawasan ang epekto ng bagyo at mag-ambag sa kanilang pagkain, seguridad at katatagan sa gitna ng mga hamon na dala ng pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *