Marcial: PBA players available para sa 2023 FIBA World Cup

Inihayag ni Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial ang plano ng liga na magbigay ng all out na suporta sa Gilas Pilipinas, sa oras na magsimula na ang paghahanda para sa kanilang 2023 FIBA World Cup.

Ito umano ang dahilan na nilimitahan nila ang PBA Season 48 sa dalawang conferences lang, para bigyang daan si coach Chot Reyes na pumili ng sinumang player na nais nito sa Gilas roster.

Ayon kay Marcial, ang 48th season ay masisimula matapos ang World Cup, kung saan ang Pilipinas, Japan, at Indonesia ang co-host mula August 25 hanggang September 10 sa susunod na taon.

Pero ang pagkuha umano ng PBA players para sa papasok na windows ng FIBA World Cup qualifiers ay ibang usapin naman.

Dagdag ni Marcial, na para sa August window, maari umanong pumili si Reyes ng sinumang player mula sa 10 PBA clubs na hindi kasama sa Philippine Cup finals.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *