Taliban kinumpirmang nalagasan ng pwersa sa giyera vs Iranian border guards

Kinumpirma ng Taliban na patay ang isa sa kanilang sundalo sa nangyaring sagupaan sa pagitan ng kanilang puwersa at ng Iranian border guards.

Nangyari ang sagupaan sa border ng Nimroz province sa Afghanistan at Hirmand region sa Iran kung saan nagpalitan ng sisi ang dalawang bansa.

Sa kabilang banda, kinumpirma naman ni Hirmand official Maysam Barazandeh na walang casualty sa kanilang panig kung saan nilinaw niyang tumugon lamang ang kanilang tropa sa pangyayari.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ay nagkaroon ng sagupaan sa parehong lugar kung saan isang Iranian border guard ang nasawi.

Hindi naman malinaw kung ano ang pinagmulan ng sagupaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *