Spillway sa Camarines Sur bumigay; isang tulay pinangambahang mag collapse dahil sa waterlily

NAGA- Bumigay ang spillway sa Barangay Iyagan, Baao Camarines Sur papunta sa San Vicente , Ocampo nitong Sabado dahil sa malakas na agos ng mala tsokolateng tubig kasabay ng mga sanga ng kahoy.

Sa gitna ng peligro may ilang mga residenteng nagpumilit makatawid, tumulay sa pinagbigkis na mga mga kawayan, may mga na stranded kasi sa kabilang kalsada tulad ng mga namalengke at galing sa trabaho.

Sa Bula naman, minadali ng LGU at mga tauhan ng Provincial Government ang pagtanggal ng tambak na mga water lilies sa Salvacion Bridge, kung hindi mag co-colapse ito at marami ang maapektuhan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Carlos Pontanal, tagapagsalita ng LGU Bula, sinabi nitong umabot sa mahigit 100 na puno sa truck ang nahakot hangang gabi. Pasalamat naman dahil bumuti na ang lagay ng panahon kahapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *