Mas mababang singil sa July billing ng mga konsyumer ng MERALCO – asahan na

Asahan na ang bawas-singil sa July billing ng mga consumers ng MERALCO.

Ito ay matapos bumaba ang paggamit ng kuryente dahil sa nararanasan na sunod-sunod na pag-ulan na nagresulta ng pagbaba ng 41 sentimo kada kilowatt-hour.

Ayon kay MERALCO Spokesperson Joe Zaldarriaga, patuloy ang pagbaba ng pagkonsumo ng mga tao dahilan sa malamig na klima na mararanasan ngayon hanggang sa pagpatak ng ‘Ber’ months.

Makakatulong din aniya ang pagkakaroon ng mababang presyo ng kuryente ang peso-to-dollar conversion rate.

Gayunpaman, patuloy ang paalala ni Zaldarriaga na magtipid pa rin ng kuryente at maghinay-hinat sa paggamit ng mga appliances .

Kung maaalala – nito lang Hunyo nang magtaas ng P0.4183 per kilowatt-hour (kWh) ang singil sa kuryente kaya umakyat ito sa P11.9112 per kWh mula sa P11.4929 per kWh noong Mayo. // MKJ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *