Mas mataas na recoveries sa COVID-19 sa Bicol naiulat ngayong araw

BICOL—Mas mataas ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 na naiulat ngayong araw sa Bicol region. 67 ang mga bagong gumaling habang 55 ang mga bagong tinamaan ng sakit.

41 sa mga bagong gumaling ay mula sa Sorsogon, 25 sa Camarines Sur at isa sa Catanduanes kung kaya sa kabuuan ay pumapalo na sa 10, 567 ang total recoveries sa sakit sa rehiyon.

Sa mga bagong kaso naman, 42 ang naitala sa Camarines Sur kung saan anim nito ay mula sa Naga City, anim rin sa Iriga City, apat sa bayan ng Calabanga, tatlo sa bayan ng Nabua, tigdadalawa ang mga bayan ng Bombon, Gainza, Libmanan, Lupi, Magarao at Tinambac habang tig-iisang kaso ang mga bayan ng Baao, Bato, Canaman, Milaor, Minalabac, Pamplona, Pili, Sagñay, San Jose at Sipocot.

11 bagong kaso naman ang naitala sa Albay kung saan tatlo nito ay mula sa bayan ng Daraga, tatlo rin sa bayan ng Malilipot, at tig iisa ang mga bayan ng Camalig, Manito, Sto. Domingo at lungsod ng Ligao.

Tig-isang bagong kaso ang Camarines Norte na mula sa bayan ng Vinzons at ang lalawigan ng Sorsogon na mula naman sa Sorsogon City. Walang naipadalang samples ang Catanduanes habang zero positive case naman ang mga samples na mula sa Masbate.

Samantala, mayroong dalawang panibagong insidente ng pagkasawi na parehong mula sa lalawigan ng Sorsogon kung kaya pumalo na sa 542 ang death toll ng sakit sa rehiyon. Mayroon namang apat na naitalang nasawi na mula sa labas ng Bicol pero dito na natest positive sa sakit.

Sa kabuuan, pumapalo na sa 17,490 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Bicol mula nang magsimula ang pandemya at 6381 (36.48%) pa nito ang aktibong kaso.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon. 𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *