Masbate, isinailalim na sa Alert Level 3

SORSOGON CITY – dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid-19 ay isinailalim na simula ngayong araw, Enero 21 sa Alert Level 3 ang buong lalawigan.

Sa pamamagitan ng IATF Resolution No. 158, magtatagal ang nasabing alerto hanggang Enero 31 nitong taon.

Sa ilalim ng Alert Level 3, ang mga establisamiyento o aktibidad na pinapayagan ay dapat mag-operate sa 30 porsiyentong kapasidad sa panloob na venue at para lamang sa mga kumpleto na ang bakuna at 50 porsiyentong kapasidad sa panlabas na venue, sa kondisyon na ang lahat ng mga manggagawa ay kumpleto na ang bakuna.

Kabilang dito ang mga sinehan, pagpupulong, social events, tourist attractions, amusement parks, religious gatherings, licensure exams, dine-in services at iba pa.

Ang mga establisamiyento naman at aktibidad na hindi pinapayagan ay ang face to face classes, contact sports, karaoke Bars, clubs at concert halls at theaters, Casinos, horse racing, cockfighting, lottery and betting shops at social gatherings kung saan ang mga indibidwal ay hindi kabilang sa iisang sambahayan.

Ang mga 18-anyos pababa  at ang mga kabilang sa mahihinang populasyon ay dapat payagang makakuha ng mga mahahala­gang produkto at serbisyo at magtrabaho sa mga pinapahintulutang industriya at opisina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *