DOH – Bagong all-time high 291,618 active COVID cases

Nagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong all-time high 291,618 active COVID-19 cases.

Mula sa naturang bilang, 277,833 ang mayroong mild symptoms, 9,015 ang walang sintomas, 2,979 ang nasa moderate condition, 1,487 ang mayroong severe symptoms, at 304 ang nasa kritikal na kondisyon.

Ang active case count ay 8.7% ng nationwide tally, na tumaas sa 3,357,083 matapos na mahawa sa sakit ang 32,744 pang bagong pasyente.

Samantala, pumalo pa sa 3,012,156 ang kabuoang recoveries na 89.7% ng case count – dahil sa 16,385 na bagong survivors, habang ang death toll ay umakyat sa 53,309 – o 1.59% ngkabuoang case count, matapos pumanaw ang 156 pag pasyente.

Sinabi naman ng DOH na tatlong laboratoryo ang hindi nakasumite ng kanilang datos. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *