Maximum tolerance, ipatutupad ng PNP sa ikakasang kilos-protesta kaalinsabay ng tigil-pasada sa Lunes

Magpapatupad ng maximum tolerance ang Philippine National Police sa ikakasang kilos-protesta ng grupong MANIBELA kaalinsabay ng tigil pasada sa Lunes.

Ayon kay PNP Public Information Office Acting Chief, P/Col. Jean Fajardo, nakikiusap sila sa mga makikilahok sa kilos-protesta na irerespeto ng pulisya ang kanilang karapatang magpahayag ng kanilang saloobin basta’t hindi ito makaaabala sa iba.

Ayaw nilang umano humantong sa arestuhan ang kanilang paghahayag ng saloobin bilang bahagi naman ito ng demokratikong proseso.

Handa rin ang PNP na umalalay sa mga motorista gayundin sa mga pasaherong maaabala dahil dito.

Ito’y sa pamamagitan ng pagpapagamit ng kanilang mga asset para tulungan ang mga maaapektuhan nito gaya ng pagbibigay ng libreng sakay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *