Mayor, pinakasalan ang buwaya sa Mexico

Nakasuot ng puting wedding gown ang pitong taong gulang na buwaya sa seremonya ng pag-iisang dibdib nila ng isang alkalde sa maliit na bayan sa Mexico.

Kinilala ang groom na si Victor Hugo Sosa, ang alkalde ng bayan ng San Pedro Huamelula sa Oaxaca.

Nilinaw ni Mayor Sosa na layunin ng kanyang pagpapakasal sa buwaya ay para humingi ng kasaganahan mula sa kalikasan.

“We ask nature for enough rain, for enough food, that we have fish in the river,” pahayag ni Sosa.

Nagtapos ang ritwal sa isang matamis na halik ng alkalde sa bride na buwaya. | Reuters

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *