MDRRMO ng bayan ng camalig, Albay, patuloy ang paghahanda sa posibleng banta ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Ipinagpapatuloy ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng bayan ng Camalig, Albay ang kanilang paghahanda kauganay ng posibleng banta ng Bulkang Mayon.

Isang balidasyon ang isinagawa bilang pagpapatupad sa order bg MDRRMC na naglalayong iiwas ang mga residente sa pagpapatayo ng mga bahay sa loob ng permanent danger zone ng bulkan.

Nagkaroon naman ng pagsisiyasat ang mga tauhan ng nasabing opisina hinggil sa mga population at risk, kung saan nakalagay dito ang kabuuhang bilang ng mga barangay, pamilya at mga vulnerable sectors tulad ng PWDs, senior citizens at mga bata.

Target ng opisina na saklawin ang mga Mayon unit Barangays na kinabibilangan ng Bgry. Tumpa, Sua, Quirangay, Salugan, at Anoling upang makamit ang layuning zero-casualty sa bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *