Mga artificial reefs sa Calatagan, Batangas, habitat na ng mga marine lives

Naging habitat o tirahan na ngayon ng iba’t-ibang marine lives ang mga itinanim na artificial reefs sa ilalim ng dagat na bahagi ng Barangay Hukay, Calatagan, Batangas.

Ito ay batay sa resulta ng isinagawang coral reef monitoring sa naturang coastal area ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) kasama ang Calatagan Volunteer Divers kahapon ng Huwebes, Setyembre 22, 2022.

Sa ngayon ang naturang mga artificial reefs ay tinubuan na ng mga corals at patuloy na dumadami ang mga isda sa lugar kabilang na Clownfish.

Taong 2018 nang itinanim ang ilalim ng dagat ang naturang mga artificial reefs sa ilalim ng Sustainable Coral Reef Ecosystem Management Project (SCREMP) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Inaasahan na sa mga susunod pang taon ay mas marami pang tutubong corals sa area at mas maraming marine lives ang makikita rito.

layunin ng ginawang assessment na ma-update ang coral reef status sa loob at labas ng artificial reef kabilang ang coral covered, fish indicators at invertebrates present.

Leave a Reply

Your email address will not be published.