Mga augmented personnels ng Gryphon Bicol Volunteer, nakahanda na para sa Fluvial Procession mamaya

NAGA CITY – Isang daang porsyento ng handa ang mga augmented personnels ng halos lahat na security, rescue, medical at maging mga volunteer groups sa Bicol para sa Fluvial Procession mamayang hapon.

Isa na rito ang Gryphon Bicol Volunteer na kinabibilangan ng mga estudyante, ang iba ay empleyado na sa gobyerno galing sa iba’t-ibang lalawigan sa rehiyon. Ito ay isang fire and rescue volunteer na pinamumunuan ni Manuel Amasa. Sa pakikipanayam ng Brigada News FM Naga kay Amasa, hindi bababa sa 300 mga volunteers ang kanilang nai-augment para sa mangyayaring prusisyon mamaya.

Dagdag pa ni Amasa, isa sa pundasyon ng kanilang grupo ang kanilang motto na “Para sa Diyos, Para sa Bayan” dahilan upang maging tradisyon na nila na magsilbi tuwing Peñafrancia Fiesta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *