Mga bakuna laban sa COVID-19, epektibo pa rin sa XBB at XBC variant – Expert

Nananatiling epektibo laban sa mga bagong variant ng covid-19 ang kasalukuyang bakuna na ginagamit at mayroon sa bansa.

Ito ang tiniyak ni Dr. Ted Herbosa, chairman ng University of the Philippines-Philippine General Hospital Department of Emergency Medicine matapos madetect ang Omicron XBB at XBC subvariant ng covid-19.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Dr. Herbosa na importante pa rin na magpabakuna ang lahat dahil ang findings naman aniya karaniwan ay laging naaapektuhan ng iba’t-ibang variant ang epekto ng bakuna.

Aniya, epektibo pa rin ang mga primary vaccines at binibigay na booster shot para ma-prevent ang XBB at XBC.

Sa ngayon, sinabi ni Herbosa na ang tanging nakakabahala sa bagong variants ay posibleng mare-infect ang mga dati nang nagpositibo sa virus.

Kapag aniya ganito, nagkakaroon ng tinatawag namin na immune-escape kung saan kahit mayroon nang antibodies o nabakunahan na nagkakaroon pa rin ng sintomas. Batay sa datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 81 ang kaso ng Omicron XBB subvariant sa bansa habang 193 naman ang kasi ng XBC variant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *