Mga bayan sa Pampanga na wala ng aktibong kaso ng covid-19 nadagdagan pa

Mula sa pito, walo na ngayon ang bayan sa lalawigan ng Pampanga ang nagdeklara na ng “Zero-Active Cases” ng Covid-19.

Sa ngayon, sa 83, 612 na confirmed case sa probinsya; 102 na lamang ang natitirang aktibong kaso.

Ang 80, 471 sa mga ito ay nakarekober na habang 3, 039 naman ang naitalang nasawi dahil sa naturang sakit.

Samantala, kabilang sa mga bayan na wala ng aktibong kaso ng Covid-19 ang Magalang, Sasmuan, Arayat, Mexico, Apalit, Candaba, Macabebe, San Luis at Mabalacat City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *