Mga damo at iba pang mga pagkain ng mga alagang hayop sa Naga City apektado na rin ng init ng panahon

NAGA CITY – Natutuyo na rin ang mga damo at iba pang mga pagkain pati na rin ang tubigan ng mga alagang hayop tulad ng mga kalabaw,kambing,kabayo at iba pa dahil sa epekto ng init sa Naga City,subalit masuwerte pa rin ang mga ito dahil nananatiling ligtas sila sa anumang mga sakit na dala ng temperatura ngayon na umaabot ng mahigit 40 celsius degrees sa buong maghapon.

Batay ito sa patuloy na monitoring na ginagawa ng City Veterinary Office,kasabay na rin sa paalala sa mga pet owners na mas doblehin ang pagbabantay at pag-aalaga sa mga hayop,dapat anya pinapainom din ito ng maraming tubig,huwag masyadong paarawan,para iwas heat stress din ang mga ito.

Sa pakikipag-usap naman ng Brigada News Fm Naga kay Josielyn Niangar,admin aid 1 at isa sa in-charge sa pag-alaga ng mga hayop na nasa kanilang pangangalaga,sinabi niyang nakatutok sila sa mga hayop sa upper barangay ng lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *