Sen. Koko Pimentel – kinuwestyon ang motibo sa pagtanggal ng ‘Laban’ sa PDP-Laban Cusi faction

Pumalag si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa ginawang pagtatanggal ng salitang ‘Laban’ sa PDP-Laban Cusi faction.

Sa isang pahayag – sa dinami-dami na raw ng binago ng Cusi faction sa kanilang partido, ‘eh bakit ‘di na lang daw sila bumuo ng sarili nilang partido.

Aniya, binubuo raw ang isang political party para kumatawan sa isang ideya.

‘Di raw nito basta-basta dapat patayin ang mga ideya.

Dahil dito, mananatili pa rin daw ang orihinal na idelohiya ng PDP-Laban, at mananalaytay ito sa kanilang mga orihinal na miyembro.

Kung maaalala – binuo ang PDP ni dating Senate preisdent Nene Pimentel noong 1982.

Kalaunan ay nag-merge ito sa Lakas ng Bayan na binuo naman ni dating senador Ninoy Aquino.

Nahati ang kanilang partido nang magkaroon ng Cusi faction ni dating secretary Alfonso Cusi kung saan, inendorso nila ang mga Duterte; habang mayroon ding Pimentel-Pacquiao faction.

2022 naman nang mas kilalanin ng Commission on Elections ang Cusi faction.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *