Mga empleyado ng Naga City Hall, puwede nang hindi mag-uniform

NAGA CITY – Pinapayagan ng Lokal na Pamahalaan ng Naga, ang hindi na muna pagsusuot ng uniform o damit pangtrabaho ang mga empleyado sa City Hall, dahil sa nararanasang matinding init ng panahon.

Ayon kay City Administrator, Elmer Baldemoro, ito upang makatrabaho ng maayos ang mga empleyado lalo na sobrang init din kung naka-uniform, ngunit dapat pa ring naaangko at bawal ang mga damit na haros kulang na sa tela. Maliban pa riyan, ang maiwasan din ang mga posibleng insidente lalo na ang mga empleyadong nag-me-maintenance at ang iba na high blood pa, sa kabila na naka naka-standby ang medical team ng lungsod.

Dagdag pa ng opisyal, maging ang pagpapagamit ng aircon na kung dati simula alas 9 hanggang alas 12, at ala 1 hanggang alas 4, ngayon bubuksan na simula alas 8 ng umaga hanggang alas cinco ng hapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *