Mga hog raisers sa Koronadal, hinihikayat na ipa-insure ang mga alaga

KORONADAL CITY — MATAPOS nakumpirma ang kaso ng African Swine Fever o ASF sa bayan ng Banga, South Cotabato, muling hinihikayat ngayon ng City Veterinary Office o CVet Koronadal ang lahat na mga hog raisers sa lungsod na ipa-insure na ang kanilang mga alagang baboy sa Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Charlemagne Calo, City Veterinarian ng lungsod, nilinaw nito na sakaling makapasok na ang ASF sa Koronadal, hindi na maaaring ipa-insure ang mga alagang baboy.

Dahil dito, hinihikayat ni Calo ang mga hog raisers na samantalahin ang pagkakataon na wala pang naitalang kaso ng ASF sa lungsod.

Layunin nito na may matatanggap na tulong-pinansyal ang mga hog raisers mula sa gobyerno sakaling tamaan ng nakakamatay na ASF ang kanilang mga alaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *