Mga imbestigasyon ng Senado, maituturing na ‘in aid of election’ ayon sa Pangulo

“Investigation in aid of election”

Yan ang naging bansag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na pinangungunahan ni Senator Richard Gordon kung saan ay nakwestyon ang bilyon-bilyong transaksyon ng Department of Health sa isang kompanya na may koneksyon sa dating economic presidential adviser na si Michael Yang.

Sa taped public address ng Pangulo ay nanindigan siya na walang korapsyon ang nangyari sa pondo ng gobyerno.

Iginiit ng Pangulo na utos niya sa DOH noon na huwag nang pumasok sa bidding dahil pinapayagan naman ito sa panahon ng mga kalamidad at krisis.

Naniniwala rin ang Pangulo na ginagamit lamang ng mga senador ang mga inquiry nito upang mamulitika at hanapan siya ng mali.

Una nang sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na posibleng meron “premeditated plunder” na nangyari sa paglilipat ng DOH ng P41-billion na pondo nito sa Procurement Service ng Department of Budget and Management at pag-award ng mga kontrata sa mga napoborang suppliers na may kapit sa mga opisyal ng administrasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *