Mga kandidato sa pagka alkalde ng Naga City sinagot ang iba’t- ibang katanungan sa ginawang Mayoral Forum

NAGA CITY – Nagkaharap harap kagabi ang apat na kandidato sa pagka alkalde ng lungsod ng Naga sa Simbahan at Halalan 2022: Naga City Mayoral Candidates’ Forum.

Ang mga kandidatong dumalo ay sina former Mayor Atty. John Bongat,  Incumbent Naga City Mayor Nelson Legacion, ang negosyanteng si Tato Mendoza at Manny Morano.

Ang mga katanungan ay mula sa mga panelist at mula sa publiko, na isa isa namang sinagot ng mga kandidato.

Kabilang sa mga naging katangungan ay ang tungkol sa problema sa lungsod hinggil sa trapiko, sa parking area na tiyak na mapapansin na naman ngayong halos nasa normal na ang lahat at balik na sa pag-aaral ang mga estudyante.

Naitanong din ang tungkol sa vaccination program, kung dapat nga bang ipatupad pa ang mandatory vaccination sa mga bata.

Maging ang isyu sa ownership sa lupang kinatitirikan ng City Hall at iba pang mga opisina na ngayon ay nasa korte pa rin ay naitanong din.

Mahigit tatlong oras ang nangyaring forum na natapos sa simple, tahimik subalit makahulugan sa bawat isa lalo na sa mga botante ng multi- awarded na lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *