4th wave ng national vaccination days sa Bicol, extended hanggang bukas

BNFM BICOL- Inanunsiyo ng Department of Health-Bicol na extended hanggang ngayong darating na araw ng Biyernes, March 18 ang ika-apat na wave ng National Vaccination Days.

Ayon sa ahensya, layon ng naturang extension sa pagbabakuna ang mas marami pang maturukan ng COVID vaccine, kung saan target nitong mabakunahan ng first dose ang nasa mahigit 36,000 na mga Bicolano habang habang nasa 66,000 naman ang target na mabigyan ng booster shots.

Ayon kay Dr. Monrey Mancilla – Vaccination Program Coordinator ng DOH,  ang nararanasang down trend ng COVID-19 cases sa rehiyon ay hindi dahilan upang maging kampante ang publiko.

Bagamat wala pa aniyang nakikitang panibagong surge ng naturang sakit sa bansa, ay hindi imposibleng mangyari ito kung kaya’t mahalaga pa rin ang pagpapabakuna bilang dagdag na proteksyon.

Kaugnay nito, patuloy naman na hinihikayat ang publiko lalo na ang mga batang edad lima hanggang 17 taong gulang, na magtungo sa pinakamalapit na vaccination site sakanilang mga lugar at magpabakuna kontra sa deadly virus.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *