Mga kongresista sa NCR, inatasan ni PBBM na ituloy ang pamamahagi ng bigas sa Metro Manila

Binigyan na ng direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos si House Speaker Martin Romualdez para sa pagbuo ng programa hinggil sa pamimigay ng bigas sa National Capital Region.

Ayon sa Pangulo, nagbigay na sya ng instruction kay Romualdez para atasan ang 33 kongresista sa NCR na ipagpatuloy ang pamimigay ng bigas sa mga mahihirap na residente sa kani-kanilang lugar.

Mas di hamak daw kasing mahal ang presyo ng bigas sa Metro Manila kumpara sa mga probinsya, dahil matagal ang pagdating ng bigas sa mga pamilihan dito at mahal ang transportation, storage at processing fee.

Nabatid na inalis na kahapon ni Pangulong Marcos ang umiiral na EO39 o ang price cap sa presyo ng regular at well milled rice.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *