Mga lalahok sa face-to-face classes sa PSU, Camarines Sur dapat fully vaccinated na

NAGA CITY – Muling ipinapa-alam ng isang pampublikong unibersidad sa Camarines Sur na dapat fully vaccinated ang estudyanteng lalahok sa face-to-face classes at mas maganda kung nakapag pa booster shots.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Charlie Balagtas, Planning Director at Public Information Officer ng Partido State,  aniya kahit ang mga mag-aaral nilang gumagamit ng mga dorm sa lahat ng Campuses nila ay dapat mga fully vaccinated na.

Sa mga hindi pa nababakunahan, may oras pa naman para magpabakuna lalo na tuloy tuloy naman ang bakunahan sabi pa ng opisyal.

Una na rin kasing inihayag ng Commission on Higher Education o CHED Bicol na mandatory ang pagbabakuna.

Samanatala, naki-usap ang naturang Unibersidad sa kanilang mga estudyante na habang hindi pa nagsisimula ang pasukan ngayong taon agad-agad magparehistro at asikasuhin na ang kanilang mga aplikasyon lalo na’t napakaraming mag-aaral ang inaasikaso nila, iniiwasan kasi ang extension ng registration.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *