Murder case ni Kashoggi natalakay sa pulong nina US President Biden at Saudi prince

Kinumpirma ni US President Joe Biden na binuksan niya ang kaso ng murder sa journalist na si Jamal Kashoggi sa kanilang pulong ni Saudi Arabia crown prince.

Si Biden ay nasa Saudi Arabia upang ma-rebuild ang relasyon ng dalawang bansa.

Ayon kay Biden, siniguro niya sa kanilang pulong na mahalaga sa kanya at sa Amerika ang pagpatay sa nasabing mamamahayag ilang taon na ang nakakaraan.

Nilinaw din ni Biden na nagkaroon ng kasunduan ang US at Saudi sa iba pang mga issues.

Una nang binatikos ang pagbisita ni Biden sa Saudi dahil mistula daw itong validation sa Saudi government kasunod ng murder sa US-based dissident journalist na si Kashogi noong 2018

Mas naging kontrobersyal ang kaso nang akusahan si crown Prince Mohammed bin Salman na aprubado niya ang pagpatay kay Kashogi. (LNM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *