Case fatality rate ng COVID-19 sa Bicol, umabot na sa 3.82%

BNFM BICOL—Pumalo na sa 3.82% ang COVID-19 case fatality rate sa Bicol region batay sa pinaka latest na datus na ibinaba ng DOH-Bicol kahapon.

Sa tala ng ahensya, ang lalawigan pa rin ng Camarines Sur ang nangunguna sa may pinakamaraming bilang ng mga nasasawi sa naturang sakit na umabot na sa 530.

Sinusundan ito ng Albay na may 484; may 474 ang Sorsogon; sumunod ang Camarines Norte na may 246; ang Naga City ay may 224; nasa 116 naman sa Catanduanes; may 94 ang Legazpi City habang pinakamababa pa rin   ang death toll sa Masbate na mayroong 74.

Sa kabuuan, pumapalo na sa 2,250 ang kabuuang bilang ng mga nasasawi dahil sa COVID-19 sa rehiyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *