Mga maliliit na sasakyang pandagat inabisuhan ng Coast Guard na huwag na munang maglayag dahil sa nakabanderang gale warning

CAMARINES NORTE- Nag abiso ang Philippine Coast Guard sa mga mangingisda lalo na sa mga maliliit na bangka na iwasan muna ang pagpalaot ngayong nakabandera na naman muli ang gale warning sa karagatang sakop ng Camarines Norte.

Batay sa pinakabagong Sea Travel Advisory ng Camarines Norte Coast Guard Station na ipinalabas ngayong umaga strong to gale force winds  ang asahan sa mga karagatang sakop ng lalawigan dahil sa muling paglakas ng Northeast Monsoon.

Dahil dito asahan na ang maalon hanggang sa napakaalong kundisyon ng karagatan na may taas ng alon na tinatayang nasa 2. 8 hanggang 4.5 metro.

Sa ilalim ng isang Memorandum Circular patungkol sa movement ng mga sasakyang pandagat inaabisuhan ang mga bangkang nasa 250 gross tons pababa na huwag na munang pumalaot kapag ganitong panahon.

Matatandaan na ilang araw pa lang ang nakakalipas ng inanunsiyo ng Coast Guard na lifted na ang gale warning pero kahapon ay ibinandera ito ulit.

Kaugnay nito ay apektado naman ang kabuhayan ng mga mangingisda na unti- unti pa lang bumabangon mula sa ilang linggong pagkakatengga ng kanilang hanapbuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *