Bilang ng mga nakapagparehistro sa National ID sa Camarines Norte umabot na sa 392, 435 sa pagtatapos ng 2021

CAMARINES NORTE- Umaabot na sa kabuuang  392, 435 na indibidwal ang nakapagpagrehistro sa Philippine Identification System (PhilSys) sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) lagpas ito ng 118. 09 % sa target na 332, 322 para sa taong 2021.

Ang bayan ng Labo ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga nakapagparehistro na mayroong 74, 733 mula sa 52 barangay na sinusundan ng Daet na may 67, 471.

Ang San Vicente na pinakamaliit na bayan sa lalawigan ang nakapagtala ng pinakamababang bilang ng mga nakapagparehistro na may 9, 136.

Narito ang kabuuang bilang ng PhilSys registrants sa buong lalawigan mula June 7- December 31, 2021:

Basud                               30,292

Capalonga                         22, 397

Daet                                  67, 471

San Lorenzo Ruiz             11, 972

Jose Panganiban              36, 226

Labo                                 74, 733

Mercedes                          28, 144

Paracale                            35, 108

San Vicente                        9, 136

Sta Elena                           31, 826

Talisay                              17, 436

Vinzons                            27, 694

Ang naturang bilang ng mga nakapagparehistro ay resulta ng pitong buwang  operasyon ng mga registration center sa 12 bayan sa lalawigan at magpapatuloy ngayong 2022 hanggang lahat ng mga barangay ay maabot.

Inanunsiyo rin ng PSA na hindi na operational ang registration centers sa ilang LGU dahil naabot na ang lahat ng barangay maliban sa mga islang barangay ng Vinzons na nakatakdang magkaroon ng mobile registration sa summer.

Ang mga registration center sa mga bayan ng Basud, Capalonga, Mercedes, San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Talisay at Vinzons ay hindi na operational.

Magpapatuloy naman ng operasyon ang anim na registration centers para sa mga hindi pa nakakapagparehistro

Ang mga registration center na ito ay sa Daet fixed registration center sa LJR Building III, J. Lucban St. Barangay III, SM City Daet, Jose Panganiban, Labo, Paracale at Sta Elena.

Bukas ang mga nabanggit na registration centers mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon maliban sa SM City Daet na bukas mula alas 10 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi.

Hinimok naman ng PSA ang lahat ng Barangal Officials mula sa 12 bayan na makipag ugnayan sa kanilang opisina kung mayroon pang mga indibidwal na hindi pa nakakapagparehistro sa kani- kanilang lugar.

Bukas umano  at nakahanda ang registration team ng PhilSys na magsagawa ng mobile registration para makapagparehistro lahat lalong lalo na ang PWD’s, Senior Citizens at iba pa na walang kapasidad na magtungo sa registration centers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *