Mga muslim sa Naga City at Camarines Sur nakatakdang pag-usapan ang isyu sa sinasabing suhestyon sa paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas

NAGA CITY – Plano ngayon ni Mike Mustapha, Head ng Naga City Muslim Affairs Office na ipunin ang kapwa niya mga Muslim na nakatira sa lungsod at Camarines Sur, ito’y para pag-usapan ang lumabas na namang suhestyon na dapat ihiwalay na ang Mindanao sa Pilipinas.

Ito’y matapos na iminungkahi ng dating Pangulong Rodrigo Duterte, at isinusulong ang People’s Initiative na naglalayong ihawalay ang Mindanao sa bansa at nilinaw na rin na hindi ito nagsisimula o nanghihikayat ng rebelyon at sedisyon.

Ayon kay Mustapha, bagamat wala pa silang pormal na pag-uusap ng kanyang mga kasamahan, nakuha niya na ang inisyal na reaksyon ng mga ito, may pabor at may hindi pabor.

Sa panayam sa kanya ng Brigada News FM Naga, hindi siya pabor na mangyari ito dahil sa malaking epekto ito sa kanilang pagnenegosyo, sa kanilang kabuhayan lalo pa at ang negosyo at trabaho nila ay nasa Visaya at Luzon area.

Aniya’y dapat pag-usapan ng maigi ng Pamahalaan ang mga posibleng advantages at disadvantage ng planong ito, sabi pa ni Mustapha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *