Mahinang suplay ng tubig, tiniyak ng MNWD na hindi gaano mararanasan; operating hours ng ilang pumping station, dinagdagan

NAGA CITY – Tiniyak ng Metropolitan Naga Water District o MNWD, na sa kabila ng mga ginagawang maintenance at pagpalit ng mga makina sa mga pumping station, siniguradong hindi gaanong mararanasan ang pagkukulang o paghina ng suplay ng tubig ng mga residente lalo na ang nasa Upland Barangay sa lungsod.

Sa panayam kay Florencio Jun Mongoso Jr., General Manager ng opisina, pinapalitan kasi ng makina ang pumping station sa San Isidro 1, kaya pansamantalang kumukuha ng suplay sa ibang pumping station na ngayon ay dinagdagan ang operation hours sa 18 hanggang 20 oras na upang matugunan ang pangangailangan sa mga areang apektado.

Pinabulaanan na rin ng opisyal ang umanong limang araw na mawawalan o walang suplay ng tubig sa tatlong barangay sa upland sa lungsod na maapektuhan.

Ayon pa sa kanya, sa oras na maayos na ito at pwede na, kaagad din naman nilang bubuksan bilang dagdag na suplay ng tubig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *