Mga nabakunahan ng  COVID- 19 booster shot sa Camarines Norte halos sampung porsiento pa lang

CAMARINES NORTE- Mababa pa rin ang bilang ng mga nabakunahan ng COVID- 19 booster shot sa Camarines Norte.

Batay sa pinakahuling datos ng Provincial Covid- 19  Vaccination Operation Center as of September 20, 2022 alas 6 ng umaga, nasa 41, 993 pa lang o 9. 7 percent ang nakakatanggap ng unang booster dose.

Ang Daet ang may pinakamataas  na porsiento sa ngayon na nababakunahan ng booster shot na nasa 21. 7 percent .

Ang bayan ng San Vicente ay may 19. 5 percent, Talisay 13. 8 percent, San Lorenzo Ruiz 11. 7 percent, Basud 8. 5 percent, Capalonga 8. 4 percent at Mercedes 7. 7 percent.

Habang ang bayan ng Vinzons ay mayroong 7 percent, Jose Panganiban 6. 8 percent, Sta Elena 5. 1 percent, Labo 4. 6 percent at Paracale 4. 1 percent.

Nasa 321, 039 o 73. 9 percent naman  ang fully vaccinated at 354, 544 o 81. 6 percent ng 434, 382 na target population ay first dose pa lang.

Ang mga nakatanggap naman ng ikalawang booster shot ay nasa 4, 485 o 1. 03 percent.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *