Mga nabakunahan vs COVID-19 sa Camalig, Albay nasa mahigit 22% na ng target population

BICOL—Umaabot na sa 22.7% ng target population ang natuturukan ng COVID-19 vaccine sa Camalig, Albay.

Katumbas ito ng 11,421 individuals sa kabuuang 50,234 na mga mamamayang target mabakunahan upang maabot ang herd immunity.

Kahapon, nasa 1000 ang target na bakunahan gamit ang Pfizer vaccine kung saan kabilang dito ang mga health workers (A1), senior citizens (A2), individual with comorbidities (A3) at indigent residents (A5).

Upang masiguro ang kaligtasan ng mga nagbabakuna at ng mga binabakunahan, mahigpit na ipinasusunod ang minimum health standards kung saan katuwang din sa crowd control ang PNP at BFP.

Organisado ang daloy ng vaccination process sa main vaccination area na nahahati sa anim na sections kabilang ang waiting area, registration area, health education and final consent area, vital signs and health assessment/screening area, vaccination area, at ang post-vaccination monitoring area.

Tinatayang inaabot ng kalahating oras ang buong vaccination process ng isang indibidwal.

Patuloy ang paghikayat ng local health officials at ng lokal na pamahalaan sa kanilang mga kababayan na samantalahin ang pagkakataong makapagpabakuna bilang dagdag proteksyon laban sa COVID-19.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *