Mga nagparehistro ng kanilang sim cards sa assisted sim card registration sa Albay, umabot na sa halos 1M – NTC Bicol

Inihayag ng National Telecommunications Commission (NTC) Bicol na umabot na sa halos isang milyon ang nakapagparehistro ng kanilang sim cards sa isinagawang assisted sim card registration sa ngayon.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Engr. Samuel Sabile, OIC regional director ng nasabing tanggapan, sinabi niyang sa pinakahuli nilang record kahapon ay mahigit 487,000 na ang sim-registered sa Bacacay, Albay; sa Ligao ay mayroong mahigit 500,000, kung kaya kung titignan ay aabot na ito sa isang milyon.

Aniya, nagkaroon ng information campaign ang NTC Bicol upang maging posible ang bagay na ito at maraming maparehistro sa assisted sim registration.

Nagpatulong na rin sila sa media upang maikalat ang tungkol sa impormasyong ito sa pamamagitan ng isinagawang press conference.

Dagdag pa ni Sabile, ang kanilang assisted on-site sim registration ay magtatagal hanggang buwan ng Abril ngayong taon.

Ngayon umano ay wala pa naman silang nararanasang mga mabibigat problema mula nang simulan nila ang nasabing gawain, maliban lamang sa intermittent signal, at hesitancy ng mga residente dahil nakikita nilang parang hindi naman ito prayoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *