Mga manlalaro sa Bicol, posible umanong humina dahil sa 2 taong walang sports competition

Posible umanong humina ang mga manlalaro sa Bicol region sa oras muling ibalik ang provincial and regional meet sa larangan ng sports sa mga paaralan dahil dalawang taon ding hindi nagkaroon nito dulot ng pandemya.

Ayon kay Mayflor Jumamil, regional information officer ng Department of Education (DEPED) Bicol, may epekto sa mga manlalaro ang dalawang taong walang sports competition.

Naniniwala si Jumamil na may mga ginagawa namang plano at paraan ang mga coaches, sports coordinators at paaralan sa bawat manlalaro upang hindi maapektuhan ang kanilang paglalaro.

Target pa rin ng ahensiya na manatili pa rin sa Rank 6 o 7 ang rehiyon sakaling buksan muli ang regional meet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *