Mga namamasyal sa Subic Bay Freeport tuwing gabi, pababantayan na

Nadismaya ang Bagong Chairman Administrator Ng Subic Bay Metropolitan Authority nang mag-ikot sa bisinidad ng Freeport noong Miyerkules ng gabi.

Ito ay matapos na makitang may mga nagkalat na basura sa mga pasyalan, may mga madidilim na kalsada at kawalan ng mga law enforcer na nagbabantay sa siguridad.

Ayon kay SBMA Chairman Rolen Paulino Sr, mahalagang maliwanag at may bantay sa gabi para tiyaking ligtas sa anumang krimen ang mga namamasyal o naglalakad na hindi nangyayari dahil sa pagtitipid sa kuryente at manpower.

Dahil dito, iniutos ni Paulino sa mga tauhan ng Law Enforcement Department na magbantay sa lahat ng parte ng Freeport at pagmultahin ang mga nagkakalat ng basura.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: SBMA Media Production

May be an image of text that says 'SHOP NOW! Lazada ASCORBIC (as Calcium Ascorbate) ACID 100 Capsules GUARD-C mgCa 500 VITAMIN Vitamin C is NOT only for Immunity, it can help also prevent heart disease. ww.a.n-n ASCORBIC ACID GUARD-C'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *