58-anyos na lalaki, arestado sa kasong pangagahasa sa apat na taong gulang na anak sa Nueva Vizcaya

Nadakip ng mga otoridad ang isang 58-anyos na lalaki matapos umano nitong gahasain ang apat na taong gulang na anak sa Brgy Progreso, Aglipay, Quirino.

Ang akusado ay kinilalang si alyas Armando at residente ng Brgy. Ampakleng, Diadi, Nueva Vizcaya.

Naaresto si Alyas Armando ng pinagsanib na pwersa ng Diadi Police Station, CIDG, Provincial Intelligence Unit NVPPO, Regional Intelligence Unit at1st NVPMFC sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Rogelio Corpuz, Presiding Judge ng RTC Branch 29, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang akusado ay may nakabinbin na kasong 8 counts of rape at itinuturing na top 10 most wanted person sa WCPD Regional level.

Ayon sa kapulisan, pinagsamantalahan umano ng akusado ang kaniyang 4-anyos na anak na babae at ginahasa ng walong beses sa iba’t-ibang pagkakataon noong 2013.

Kasalukuyan pang nasa kustodiya ng PNP Nueva Vizcaya si Alyas Armando para sa karagdagang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Wala namang pyansang inirekomenda ang hukuman para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *