Mga nilabas umanong resulta ng DOH-BICOL na COVID 19 positive result ng Guinobatan, Albay huli na; mga nagpositibo nagrerecover na 

LEGAZPI CITY – Wala na rin dapat ikabahala ang mga residente o barangay sa bayan ng Guinobatan Albay tungkol sa pagdami ng mga nagpopositibo sa Coronavirus Disease (COVID) 19.

Ayon kay Mayor Gemma Ann Ongjoco ng Guinobatan, huli na ang mga nilalabas umanong report o resulta ng Department of Health (DOH) Bicol na covid 19 positive.

Inaabot umano ng halos limang araw bago mailabas ang resulta ng mga nagpositibo sa nasabing sakit.

Dahil dito ang lahat ng mga nagpositive sa covid 19 ay nagrerecover, nakahome quarantine o nasa isolation area na rin ang mga ito.

Kahapon ang bayan ng Guinobatan ay nakapagtala ito ng 16 na kaso ng covid 19 na kinabibilangan na barangay Travesia, Morera, Dona Tomasa, Ilawod, Inascan, Binogsacan Lower, Quibonbongan, Rafael, Calzada, Mauraro, at San Francisco.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *