Mga bakunadong benepisyaryo, prayoridad sa distribusyon ng tulong-pinansyal sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) program – D.A-Bicol

BICOL – NILINAW ngayon ng Department of Agriculture-Bicol na hindi totoo na tanging mga bakunadong benepisyaryo lamang ang makakatanggap tulong-pinansyal sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance o RFFA program.

Ayon sa DA-Bicol, lahat ng mga benepisyaryo ay maaaring makapag-claim subalit bilang pag-iingat sa lahat ng mga dadala sa RFFA distribution, uunahin umano mabigyan ang mga bakunado alinsunod na rin sa direktiba ng pangulo na pagbabawal na lumabas ang mga unvaccinated individuals ngayong tumataas ang mga kaso ng covid-19.

Gayunpaman, nakikipag ugnayan na umano ang kanilang ahensya sa mga LGUs upang agad nang mabakuhanan ang mga hindi pa bakunadong benepisyaryo na ‘eligible’ at handa ng tumanggap ng bakuna.

Pinaalalahan din ng ahensya ang mga kwalipikadong benepisyaryo na maghintay muna ng mensahe mula sa Municipal Agriculturist Officer tungkol sa schedule ng cash distribution. Tiyakin lang din umano na dala ang mga kailangang requirements at may valid id upang mabilis ang proseso kung sakaling may mali sa detalye ng benepisyaryo na nakalagay sa masterlist.

Ang Rice Farmers Financial Assistance o RFFA ay isang programa nh DA na naglalayong magbigay ng direktang tulong-pinansyal sa mga rice farmers na apektado ng liberalisadong patakaran ng pamahalaan sa pag-angkat ng bigas sa buong bansa at bilang tugon sa mga problemang kinakaharap ng mga magsasaka ngayong may pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *