Mga pro-Marcos, pinayagan mag-rally

Pinayagan na ng Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng rally ang mga pro-marcos sa araw ng State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., malapit sa Batasan Complex.

Ayon kay PNP Director for Operations Police Major General Valeriano De Leon, nagkaroon sila ng mga adjustments para sa pagsasagawa ng rally at kabilang dito ang pagpayag sa mga pro-marcos na magsagawa ng support rally.

Kaugnay nito, tiniyak pa rin ng PNP na paiiralin nila ang maximum tolerance sa mga magsasagawa ng rally sa araw ng SONA.

Samantala, nanindigan naman ang PNP na hindi nila papayagang magrally o magkilos protesta ang mga anti-marcos.

Dahil dito, may iba pang adjustments na ginawa ang PNP kaugnay naman sa mga anti-marcos na magpoprotesta.

Ayon kay De Leon, alam nilang lalong magpupumiglas o magpupumilit ang mga anti-marcos na makapagsagawa ng kanilag kilos protesta.

Mababatid na sa ngayon ay tanging sa Quezon City Memorial Circle, UP at CHR grounds lamang maaaring magdaos ng kilos protesta.(CLAY MARQUEZ)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *